BUTUAN CITY – Inantay na ng Police Regional Office (PRO) 13 ang hakbang na gagawin ng Agusan del Sur Police Provincial Office laban sa dalawang pulis na caught-in-act na nangongotong sa motorist.
Matatandaang huli sa entrapment operation ng Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) ng Police Regional Office-13 na tumatanggap ng suhol mula sa hinuli nilang babaeng motorista sina Police Staff Sgt. Eddie Manguilimotan – organic personnel ng HPG at PCorporal Ralfe Miraflor na nadestino sa Agusan del Sur Police Provincial Office.
Napag-alamang pinara sa checkpoint ang nagmamaneho ng motorsiklong itinago lang sa pangalang Inday dahil sa walang suot na helmet, driver’s license at iba pang pertinenteng papeles.
Dito isinagawa ang negosasyon kung saan hiningan umano ng pera ng dalawang pulis ang nasabing motorista na humiling naming uuwi muna upang kukuha ng pera.
Lingid sa kaalaman ng dalawang pulis na nagpasama na pala ito ng IMEG members kung kaya’t caught-on-the act ang mga ito nang tanggapin ang tig-P1,500 cash.
Ayon kay PMajor Renel Serrano – information officer ng PRO-13, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang kinakaharap ng dalawa na sasampahan din ng kasong administratibo.
Samantala papanagutin naman ni PCol Lucilo Laguna Jr. – regional chief ng Highway Patrol Group (HPG) Caraga ang dalawang pulis kungsaan inatasan na niya ang hepe ng HPG sa nasabing bayan na bubusisiing maigi ang pangyayari upang malaman ang buong katotohanan.