-- Advertisements --

ILOILO CITY – Sinibak na sa serbisyo ang dalawang pulis na suspek sa pagpatay sa anak ng kongresista sa Iloilo.

Ang biktima ay si Delfin Britanico at anak ni dating assemblyman at Banat Partylist Rep. Salvador Britanico.

Ang dalawang pulis ay sina Police Staff Sergeant Ricardo Cabrera Morante at Police Corporal Joseph Andrew Poneles Joven na nagsilbing driver ng kanilang get-away vehicle.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Lt. Col Arnel Solis, spokesperson ng Police Regional OfficeVI, sinabi nito na unang tinanggal sa serbisyo si Morante at sunod naman si Joven nga una na nag-absent without leave.

Ayon kay Solis, ikinanta rin mismo ni Joven na kabilang rin sa mga pulis na pumatay kay Britanico ay sina Police Staff Sergeant Morante at Police Master Sergeant Vernie Lui Escorial.