-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpositibo sa confirmatory drug test ang dalawang personnel ng Police Regional Office 6.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Mary Grace Borio, spokesperson ng Police Regional Office 6, sinabi nito na ang mga nagpositibo ay kinabibilangan ng mga personnel mula sa Negros Occidental Police Provincial Office habang ang isa naman ay nagmula sa regional headquarters.

Ayon kay Borio, sisibakin sa serbisyo ang dalawang mga pulis ngunit tiniyak nito na dadaan pa rin ito sa kaukulang proseso.

Napag-alaman na umaabot sa 5, 821 na mga police personnel mula sa Western Visayas ang isinailalim sa drug test bilang bahagi ng internal cleansing sa organisasyon kasabay ng pag-upo ng bagong director na si Police Brigadier General Sidney Villaflor.