NAGA CITY- Nagpapagaling na sa ospital ang dalawang pulis matapos tambangan ng mga pinaniniwalaang miembro ng New Peoples Army sa Brgy. San Juan, San Narciso, Quezon.
Kinilala ang mga biktima na sina Patrolman Millan Kenn Parco at Patrolman Kennedy Piamonte.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na pawang mga pulis ang dalawa ng San Narciso Municipal Police Station at nagsasagwa sana ng pagpapatrolya sa lugar habang sakay ng isang Police Patrol Car.
Kinompirma rin ni Police Colonel Audie L Madrideo, Provincial Director Quezon PPO na base umano sa salaysay ng mga biktima, habang naglilibot sila sa Brgy. San Juan, at Brgy. Binay nang bigla na lamang silang pinaputukan ng mga salarin.
Kung saan agad naman umanong nakipag palitan ng putok ng baril ang dalawang pulis.
Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima ngunit pinaniniwalaang may mga sugatan din sa parte ng mga rebeldeng grupo.
Sa tulong umano ng isang concerned citizens maswerteng naka alis mga mga police sa lugar na pinang yarihan ng pag ambush.
Sa ngayon nag papagaling na ang mga ito sa ospital habang patuloy naman ang isinasagwang pursuit operation ng mga otoridad para matukoy ang nasabing mga salarin.