Walang nakitang anumang bakas ng nawawalang bata ang mga opisyal ng bata matapos nilang hukayin ang dalawang puntod.
Hinahanap kasi ng mga otoridad ang bangkay ni Emanuela Orlandi, anak ng Vatican clerk na nawawala matapos ang music lesson sa Rome noong 1983.
Matapos tignan ang hukay sa Teutonic Cemetery ay walang nakitang anumang buto.
Matatagpuan ang sementeryo sa loob ng Vatican walls na dito inililibing ang mga kilalang tao sa simbahan o mga miyembro ng noble families ng German o Austrian origin.
Sinabi ni Vatican spokesman Alessandro Gisotti, na kaya nila isinagawa ang paghuhukay matapos na makatanggap ng sulat ang pamilya ng biktima na doon inilibing ang kanilang anak.
Hindi rin kasi lumabas sa imbestigasyon ng mga kapulisan noong 1983 na maaring dinukot at pinatay na ang nasabing biktima.