-- Advertisements --
Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dalawang pusa sa New York.
Ayon sa US Department of Agriculture ito na ang unang hayop sa US na nagpositibo matapos na sila ay suriin.
Sinabi naman ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na walang ebidensiya na ang nasabing mga pusa ang siyang nagpakalat ng coronavirus sa US.
Una nang sinuri ang mga pusa matapos na magpakita ng respiratory symptoms.
Magugunitang nauna nang nagpositibo sa coronavirus ang mga lion at tigre sa isang zoo sa New York.