Pansamantalang ginawang isolation facitilies ng Department of Transportation (DOTr) at Philippine Ports Authority (PPA) ang dalawang quarantine facilities nito para doon ilagay ang mga nagpositibo sa COVID-19.
Ang nasabing hakbang ay para mabawasan ang mga pasyente na dinadala sa mga pagamutan na nagsisipunuan na ngayon dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa DOTr na ang mga pasilidad ng Eva Macapagal Super Terminal sa Pier 15 sa Manila at Port of Capinpin Quarantine Facility sa Orion, Bataan ang kanilang napiling i-convert na gawing isolation facilities.
Mayroong 211 cubicles ang Eva Macapagala Super Terminal na kumpleto sa hospital beds, portable toilets, cargo containers para showers at open-air dining facilities.
Habang mayroong 124 hospital beds ang Port Capinpin Quarantine Facility na doon unang inalagay ang mga marino at mga Overseas Filipino Workers (OFW) at mga kahit hindi mga OFW.
Magugunitang humingi ng tulong ang ilang mga pagamutan sa bansa dahil lalo na sa National Capital Region dahil sa dami ng mga pasyente na dinadala na dinapuan ng COVID-19.