Dalawang quarantine violator sa Marilao, Bulacan ang ipinatawag sa Barangay matapos isumbong sa JTF Covid shield ng isang netizen.
Dahil sa nasabing reklamo, agad nakipag ugnayan ang JTF Covid Shield sa Barangay dahilan pina summon ang dalawang indibidwal.
Batay sa sumbong ng netizen, hindi lang isang beses nagsagawa ng social gathering at drinking session kundi madalas ang mga ito.
Kapag nagsasagawa umano sila ng social gathering ay hindi rin sila nagsusuot ng facemask at face shield.
Ayon kay JTF COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, dahil sa sumbong agad nakipag ugnayan ang JTF COVID Shield sa Marilao Municipal Police Station para berepikahin ang sumbong.
Dumating ang mga pulis pero hindi na nila naabutan ang social gathering dahil napahinto na ito ng mga tanod.
Dinala ang dalawang inirereklamo sa barangay habang ang bahay naman kung saan ginawa ang drinking session ay binalaan ng mga pulis.
Pinuri naman ni Eleazar ang netizen na naglakas loob mag sumbong sa quarantine violators na nagsumbong sa kanilang Facebook account.
Sa ngayon, inaabangan na ang hakbang ng barangay officials dahil desidido ang netizen na magsampa ng formal complaint.