-- Advertisements --

CEBU CITY – Patay ang dalawang pinaniniwalaang miyembro ng rebeldeng grupo matapos umanong atakihin ang detachment ng militar sa Negros Oriental.

Kinilala ang namatay na sina Antonio Cardina, 23; habang hindi pa nakikilala ang pangalan ng isa pa.

Batay sa ulat, nakatanggap ng ulat ang Sta. Ana Municipal PNP matapos makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril malapit sa detachment 12th Infantry Batallion SCAA Patrol Base Brgy. Talalak, Sta. Catalina.

Agad rumesponde ang pulisya matapos mabatid ang hindi pagsagot ng detachment commander.

Sinasabing gumamit ng improvised explosive device ang umano’y rebeldeng grupo pero bigong sumabog.

Wala namang naitalang sugatan o patay sa hanay ng pamahalaan.