-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Humantong na naman sa pagkamatay sa dalawang rebelde at pagkakumpiska sa mga baril ang nangyaring sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at New People’s Army o NPA nitong rehiyon sa Caraga.

Naganap ang engkuwentro sa gabi ng Pasko ng Pagkabuhay, Abril 17, 2022 sa bisinidad ng Brgy. Jaliobong, Kitcharao, Agusan del Norte.

Bago paman ang sagupaan, ang 29th Infantry Battalion, Philippine Army ay may natanggap na mga reports hinggil sa presensiya ng kumunistang teroristang grupo sa nasabing barangay na nagsasagawa ng extortion at humingi ng kahit anong suplay.

Ito ang dahilan sa inilunsad na combat operations na nagresulta sa engkuwentro laban sa tinatayang 15 na miyembro ng Communist Terrorist Group kungsaan tumagal ng 10 minuto. Nagsitakas ang walhong grupo at naiwan ang 2 nilang kasamahan na wala ng buhay.

Nakilala ang napatay na sina Samuel N. Batican, ang lider sa grupo at ang alyas Yawming. Kasama sa rekober ang isang Colt AR15 rifle, isang Winchester M14 rifle, dalawang cellular phones, mga pagkain at iba pang suplay.

Ang nasabing grupo umano ang siyang nagsusuplay ng pagkain sa North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) at kanilang mga cadres.

Kaagad na naiturn-over ang nasabing mga bangkay sa lokal na otoridad para sa tamang disposasyon.

Kung maalala, dalawang rebelde rin ang unang napatay sa engkuwentro noong Huwebes Santo sa Brgy. Agsam, Lanuza, Surigao del Sur.