-- Advertisements --
NAGA CITY – Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan sa lalawigan ng Camarines Sur.
Sa naging panayam kay PLt. Col. James Ronatay, tagapagsalita ng Camarines Sur Police Provincial Office, sinabi nito na ito ay dahil aniya sa hirap na kanilang nararanasan sa bundok dahil sa pinapairal pa rin na ‘Community Quarantine.’
Dagdag pa nito, napagtanto aniya ng mga ito na mali ang kanilang desisyon na pagsapi sa naturang rebeldeng grupo at nakita rin ng mga ito na wala silang magandang hinaharap dito.
Sa ngayon, inaasahang makakatanggap ang mga ito ng tulong dahil sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) mula sa pamahalaan.