-- Advertisements --
251539243 192165103093361 5352546187931582756 n


BUTUAN CITY – Dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang patay sa engkuwentro sa Bayugan City, Agusan Del Sur sa inilunsad na simultaneous Focused Military Operations ng 401st Infantry Unite N Fight Brigade ng 4th Infantry Diamond Division, Philippine Army at 401st Division Reconnaissance Company laban sa mga tauhan ng Regional Operational Command (ROC) at Regional Center of Gravity (RSDG) ng Northeastern Regional Committee (NEMRC).

Naganap ito sa Purok 4, Brgy Villa Undayon, Bayugan City pasado alas-12:05 ng madaling araw laban sa hindi bababa sa 40 mga Communist Party of the Philippines (CCP)-NPA Terrorists (CNTs) na tumagal ng 45 minuto.

Dalawang beses pang tumakas ang makaliwang grupo ngunit naabutan ito ng mga sundalo na naging sanhi ng sunod-sunod na engkwentro na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang rebelde na kinilalang sina alyas Joseph at alyas Kaykay, kapwa miyembro ng RSDG.

Narekober sa encounter site ang dalawang high powered firearms, mga bala, dalawang commercial radios, isang detonating switch, 45 metrong detonating cord, 200 meters firing wire, isang pipe bomb (IED), pitong improvised firing device, isang portable generator, medical supplies, limang cellphone, blasting cap at mga backpack na may personal na kagamitan.

Sinubukan nitong himpilan na kunin ang panig ng 401st infantry Brigade, Philippine Army para kumpirmahin ang ulat na isang sundalo ang napatay sa engkwentro ngunit ibinunyag ni Civil Military Operations o CMO Officer Captain Linley Marl Dajao na kanila pa itong kinukumpirma.