-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nai-turn over na ng 29th Infantry ‘Matatag’ Battalion, Philippine Army sa ilalim ng 901st Infantry (Fight ’em) Brigade, 4th Infantry Diamond Division, Philippine Army sa pulisya nitong lungsod ng Butuan, para sa tamang disposasyon, ang bangkay ng dalawang mga rebeldeng New People’s Army na napatay sa engkwentro kahapon sa bukiring bahagi ng Sitio Dinakpan, Brgy. Los Angeles nitong lungsod.

Naganap ang engkwentro sa pagitan ng 9 na mga tauhan ng Platoon 1, Sub-Regional Sentro De Grabedad Westland sa ilalim ng Northeastern Mindanao Regional Committee.

Ayon kay Lt. Alegre, officer-in-charge ng Civil Military Operations o CMO sa nasabing batalyon, nakatanggap ng impormasyon mula sa mga residente ang kanilang mga kasamahan kaugnay sa extortion activities ng grupo at ng respondihan, ay nakita sila ng mga sundalo na bitbit na mga high-powered firearms sanhi gng bakbakan.

Nakuha din mula sa encounter site ang dalawang mga high-powered firearms at mga terrorist documents na may mataas na intelligence value.