BUTUAN CITY – Humantong sa pagkamatay sa dalawang mga rebelde ang sagupaang naganap sa pagitan ng sundalo at New People’s Army sa nakaraang araw sa may Sitio Vertudazo, Brgy San Juan, Bayugan City, Agusan Del Sur.
Nakilala ang mga napatay na sina Alyas Dano ang Regional Finance Officer at Alyas ZIG ang Regional Medical Staff, sa North Eastern Mindanao Regional Committee na parehong sumuko na noon.
Napag-alamang nagsasagawa ng Focus Military Operation ang tropa ng 7th Special Forces Company, 3rd Special Forces (Arrowhead) Battalion sa ilalim ni Lt. Col. Paulo F Baylon, at ang Alpha Company sa 65th Infantry Battalion at 4th Scout Ranger Company, 2nd Scout Ranger Battalion.
Naka-bakbakan nito ang hindi bababa sa 10 mga miyembro sa Regional Sentro De Grabidad, sa North Eastern Mindanao Regional Committee.
Kasama sa narekober sa tropa sa gobyerno sa encounter site ang isang M4 Carbine Rifle, isang Modified Carbine Rifle, mga bala at magazines, 12 cellular phones, at mga personal na kagamitan.