-- Advertisements --

Maaring masimulan na sa mga susunod na buwan ang dalawa pang reclamation projects sa kahabaan ng Manila Bay.

Ang mga ito ay kinabibilangan ito ng 90-hectare reclamation project sa Bacoor, Cavite at 30-hectare na reclamation project sa Philippine Fisheries Development Authority sa Lungsod ng Navotas.

Sinabi ni Philippine Reclamation Authority (PRA) Assistant General Manager for Reclamation and Regulation Joseph Literal, na nakatakdang maglabas ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng resulta ng mga compliance review ng nasabing mga proyekto.

Dagdag pa nito na kasama na ipapalabas ng DENR ang kanilang evaluation at investigation kung saan maaari silang maglabas na ng pagtanggal ng suspension.

Magugunitang noong Agosto ng nakaraang taon ng ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagpapatigil ng lahat ng mga reclamatioin projects sa Manila Bay habang nagsasagawa ng cumulative impact assessment sa mga ito ang DENR.

Nagbunsod ang suspension matapos na ikinaalarma ng mga environmental groups ang lumalaking damyos dahil sa mga reclamation projects.