-- Advertisements --

Naghain ng isang resolution ang dalawang Senador ngayong araw para magpahayag ng pakikisimpatiya at pakikiramay ng mataas na kapulungan ng Kongreso sa pagkamatay ni dating Pangulong fidel Ramos.

Inihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Resolution No. 72 habang inihain naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang Resolution No.73 isang araw matapos ang pagkamatay ng dating Pangulong Ramos.

Sa inihaing resolution ni Senate president Zubiri, nakasaad na ang pagpanaw ng isang brilliant military man, politician at statesman ay isang malaking kawalan para sa ating bansa.

Kilala aniya ang Ramos administration para sa pagsusulong ng economic reforms na nagpalakas ng investments o pamumuhunan sa bansa at sa ekonomiya noong 1997 East Asia Financial Crisis para sa recovery efforts ng bansa at ibangon ang bansa mula sa Sick Man of Asia na maging Asia’s Next Tiger Economy.

Ayon pa sa Senador, dapat aniyang mabigyan ng kredito ang Ramos administration para sa paglagda ng isang peace agreement sa Moro National Liberation Front noong 1996 na nagwakas sa 25-year strife roar na kumitil sa buhay ng mahigit 120,000 Filipinos at nagpamulat sa isyu ng Spratly sa buong mundo.

Kinilala din ng Senador na kahit na nagretiro na si FVR mula sa politics, nagpatuloy pa rin ito sa pagsusulong ng best practices bilang isang ordinaryong mamamayan pagdating sa pagkakaisa, solidarity at teamwork sa nation-building at patuloy na pakikipag-ineract sa mga world leaders sa iba’t ibang platforms.

Sa resolution naman na inihain ni Senator Villanueva sinabi nito na isang champion si FVR sa mga reporma sa sektor ng edukasyon.

Aniya panahon ng panunugkulan ng dating Pangulo, naipasa angHigher Education Act of 1994 bilang batas na bahagi ng kaniyang malawak na agenda para sa reporma sa edukasyon.

Nabuo din sa administrasyon ni FVR ang lugar ng technical-vocational education in the Philippine education system sa pamamagitan ng enactment ng Dual Training System Act of 1994.

Nalikha din ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na pinangasiwaan noon ng dating Senador.

Top