TACLOBAN CITY – Dead on the spot ang dalawang dating pulis matapos paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang mga suspek ang sinasakyang pick-up truck sa Barangay Libertad, Palo, Leyte.
Nakilala ang mga biktima na sina Constantino Torre, dating pulis na residente ng naturang lugar; at Dennis Monteza na isa ring retired police.
Dead on arrival naman sa ospital ang dalawang kasama nila na nagngangalang Ian Pat Dolina na pinaniniwalaang high value target na residente ng Palo, Leyte; at si Maritess Pami na residente naman ng Macaalang, Dagami, Leyte.
Ayon kay P/Maj. Joemen Collado, hepe ng Palo-Philippine National Police, base sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay sakay ng kulay puting Ford Ranger ang mga biktima nang bigla nalang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay din ng isang behikulo.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga kapulisan ukol sa insidente.
XXX