-- Advertisements --

KALIBO, AKLAN – Kapwa patay ang dalawang motorcycle rider matapos na magbanggaan sa kalsadang sakop ng national highway ng Brgy. Jumarap Banga, Aklan.

Dead-on-arrival sa Aklan Provincial Hospital ang mga biktimang sina Nikko Cuatriz, 21 anyos, residente ng Brgy. Palali, Banga at John Billiones, 23 anyos ng Brgy. Linabuan Sur sa naturang bayan.

Base sa report, dakong alas-8:10 ng gabi habang papalabas ng highway si Cuatriz nang paparating naman si Billones dahilan na nagbanggaan ang dalawa sa gitna ng kalsada.

Sinasabing walang headlight ang motor ni Billones kaya hindi ito nakita ng nakasalubong na rider.

Sa lakas ng banggaan, parehong nawasak ang motorsiklo at duguang tumilapon ang mga biktima. Isinugod sila sa nasabing ospital pero kapwa idineklarang patay.