-- Advertisements --

Patay ang dalawang runners sa ginanap na half-marathon sa Almaty City sa Kazakhstan.

Nawalan ng malay ang 84-anyos na si Akkoyan Rsaliyev sa pagsisimula pa lamang ng marathon.

Habang ang 21-anyos na si Akhmadi ay nakatakbo na ng 16 kilometro ng ito ay pumanaw.

Ang dalawa ay regular na sumasali sa mga long-distance running events.

Agad naman na nagpaabot ng pakikiramay at tiniyak ng organizers na kanilang tutulungan ang mga nasawing runners.