-- Advertisements --

Naharang ng United Kingdom fighter jets ang dalawang Russian aircraft sa karagatang bahagi ng Scotland.

Ayon sa Ministry of Defense, agad na pinadala ng Royal Air Force ang kanilang Typhoons fighter jets ng makitang nasa UK controlled zone ng international airspace ang nasabing dalawang TU-142 Bear F maritime reconnaissance at anti-submarine warfare aircraft.

Dagdag pa ng Ministery of Defense na mahigpit ang kanilang ginagawang monitoring sa mga controlled zone para matiyak na ligtas ang pagdaan ng ibang mga eroplnao.

Inaalam pang mabuti ng Ministry of Defense ang motibo ng pagpasok ng nasabing Russian aircraft sa kanilang sakop.