-- Advertisements --
Sinibak ng Italy ang dalawang Russian officials dahil sa kasong pang-iispiya.
Sinabi ni Italian Foreign Minister Luigi Di Maio na ang pagsibak sa dalawa ay kasunod ng pagkakaaresto ng Italian navy captain at ang pagkakakulong sa Russian military officer na nakatalaga sa Rome.
Naaktuhan ang dalawa matapos na ang Italian navy captain ay nagbigay ng mga sensitibong impormasyon sa Russian officer kapalit ang malaking halaga ng pera.
Hindi na pinangalanan ni Maio ang dalawa.
Pinasalamatan ni Maio intelligence service matapos na mabunyag ang nasabing maling gawain.