BACOLOD CITY – Nananawagan ang commander ng Special Action Battalion 6 sa pamilya ng mga miyembro nang New People’s Army na namatay sa engkwentro laban sa tropa ng gobyerno kahapon ng umaga sa Sitio Balik-balik, Barangay Tabu, Ilog, Negros Occidental na iverify ang identity ng mga bangkay.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Lt. Col. Ryan Manongdo, tatlo ang dead on the spot habang isa naman ang binawian ng buhay sa ospital.
Ayon kay Manongodo, sa apat na mga fatalities, dalawa pa lamang ang may full name at ito sina Christian Vargas alias Han at Joel Fundador alias Timot habang kinilala lamang sa alias ang dalawang iba pa na sina Ka’Nikki, isang babae kag Ka’George.
Sa ngayon hindi pa natutukoy ang address ng mga ito habang dinala naman sa punerarya ang kanilang bangkay.
Kinilala naman ang isa sa mga sugatan kay Nilda Bertolano na Secretary ng South Negros Front.
Samantala, inimbita sa Ilog Municipal Police Station 13 mga residente na pinaniniwalaang nirecruit ng rebeldeng grupo.
Aniya, narecover sa encounter site ang dalawang M16 rifle, isang AK-47 rifle at isang hindi pa natutukoy na armas.
Ayon kay Manongdo, ang komunidad ang nagbigay sa kanila ng impormasyon na may presensya ng NPA sa lugar kaya sila ang nagresponde dito noong Lunes ng gabi.
Martes ng umaga ng kanilang nasagupa ang mga NPA na unang nagpaputok kaya’t gumanti ang mga kapulisan.
Tumagal ng isang oras at apat napung minuto ang palitan ang putok.
Sa ngayon patuloy pa ang hot pursuit operation at nananatili naman alerto ang kapulisan at mga militar.
Nananawagan naman ito sa pamilya ng mga rebelde na gamitin ang kanilang impluwensya upang kumbinsihing sumuko na ang mga ito sa gobyerno.
Ayon sa commander, kung ipapatuloy na mga ito ang pagrerebelde, dalawa lamang ang kanilang hahantungan at ito ang kulungan o sementeryo.