BUTUAN CITY – Nailigtas ang dalawa sa anim na missing na mga mangingisda sa isinagawang search and rescue operation sa Philippine Coastguard o PCG Search and Rescue Team kasama ang Coast Guard Station Surigao del Norte at iba pang units sa Coast Guard Mobile Team Surigao City, Coast Guard Special Operations Group – Northeastern Mindanao, Coast Guard Baywatch Patrol Unit – Northeastern Mindanao at PCG Fast Patrol Boat (FPB) 151 sa pakipag-ugnayan sa CDRRMO Surigao City.
Nakilala ang nailigtas na sina Joseph Mapalo, 35 anyos, residente ng Brgy. Cagniog, Surigao City at Jesmar Besing, 36 anyos, residente sa Brgy. San Juan, Surigao City. Nakita ang dalawa sa kadagatan sa pagitan ng Bohol at Siquijor.
Napag-alamang nangingisda ang anim sa kadagatan sa bisinidad ng Barangay Mabua at San Ricardo, Southern Leyte, ngunit nasira ang sinakyang bangka dahil sa naglalakihang alon. Simula pa noong Marso 1 ay dineklara nang missing ang anim katao.
Patuloy ngayong pinaghahanap ang apat pang na missing na sina Timothy Codillo, Julieben Edranan, Alan Solitario at Marcelo Doblas Jr.