-- Advertisements --

Nasa kustodiya na ng Immigration agency ng Indonesia ang dalawa sa kasamahan ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ayon kay Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr., batay yan sa natanggap niya na report kahapon kay Philippine National Police Chief (PNP) Police Gen. Rommel Francisco Marbil.

Nagtangka raw na lumabas ng Indonesia sina Cassandra Li Ong at Shiela Guo nang maharang ito ng Indonesian authorities.

Si Cassandra Li Ong, ay inuugnay kay Guo at sa POGO na Lucky South 99.

Samantala, batay sa natatanggap nilang report, iginiit ni Abalos na nasa Pilipinas pa si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Abalos, may direktiba na sa mga pulis na tingnan sa bawat sulok ng bansa si Quiboloy para hindi ito makaalis ng bansa gaya ni dismissed Bamban mayor.

Tiniyak ni Abalos na seryoso ang mga kapulisan sa mga naturang kaso, at hindi lang kay Quiboloy at Guo kundi sa lahat na may warrant of arrest.