-- Advertisements --
salilig

Nahulog na sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang suspect na sangkot umano sa pagpatay sa isang Adamson University student matapos ang ikinasang operasyon.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group, naaresto ng CIDG Laguna Field Unit ang 20 year old na unang suspect sa Barangay Alapan II sa Imus, Cavite.

Ang 21 Year old na pangalawang suspect naman ay naaresto sa kanyang bahay sa Barangay Amaya 6 sa Tanza kaparehong lugar.

Silang dalawa ay parehong nahaharap sa kasong may kinalaman sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018 dahil sa pagkamatay ni Matthew Salilig.

Kabilang rin sila sa pinangalanan na sa pinaka pinaghahanap o most wanted ng mga awtoridad sa Calabarzon.

Una ng inilabas ang Warrant of Arrest laban sa dalawa ni Judge Armin Villamonte ng Biñan City RTC.

Si Salilig ay natagpuang patay sa isang mababaw na hukay sa Imus, Cavite ilang araw matapos itong maiulat na nawawala.

Batay sa imbestigasyon, si Salilig ay dumaan sa isang welcoming rites ng Tau Gamma Phi at ito ang itinuturong dahilan ng kanyang pagkamatay.