-- Advertisements --
Iniharap na ng National Bureau of Investigation sa publiko ang dalawang suspect sa pagnanakaw ng 88 years old masterpiece o obra ni Fernando Amorsolo.
Ito ay sikat sa tawag na “Mango Harvesters”, na huling naiulat na nawawala noong July 3 sa Hofileña Museum sa Silay, Negros Occidental.
Sa naging pahayag ni NBI Director Jaime Santiago, sinabi nito na nahuli ang suspect matapos ang isinagawang entrapment operation.
Any obra ay ibinibenta ng suspect na si alyas Ching sa mga buyer ng NBI sa halagang ₱3.2 milyon.
Kinilala ang mga suspect na sina Ritz Ching at Donecio Somaylo at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1612 o Anti-Fencing Law.
Susuriin naman ng NBI kung totoo at authentic ang nabawing obra mula sa mga ito.