-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Isinilbi ng mga kasapi ng Tumauini Police Station ang search warrant sa tirahan ng isang tsuper ng tricycle sa barangay Lanna,Tumauini, Isabela

Ang sinilbihan ng search warrant ay ang bahay ni Benito Maddawin, 64 anyos, may asawa, at residente ng nabanggit na barangay .

Isinilbi ang search warrant ng pinagsanib na pwersa ng Tumauini Police Station sa pangunguna ng hepe na si Police Major Rolando Gatan at Provincial EOD- K9 kung saan matagumpay na nasamsam umano sa mismong bahay ng suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng Marijuana, isang bala ng Cal. 22, tatlong bala ng 12 gauge shotgun at isang bala ng Cal. 45.

Nakatunog umano ang suspek kayat hindi nadatnan ng mga otoridad sa kanyang bahay.

Ayon naman sa hepe ng pulisya, bago umanong identified drug personality ang suspek .

Hinihintay na ng pulisya ang ilalabas na warrant of arrest ng hukuman laban sa suspek dahil sa pag-iingat nito ng mga bala at droga.