-- Advertisements --

Patuloy pa ring uulanin ang malaking parte ng bansa hanggang sa pagpasok ng susunod na linggo.

Ayon sa Pagasa, kahit lumabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Marilyn, magdadala pa rin ng ulan ang umiiral na habagat.

Maliban dito, may dalawa pang sama ng panahon na inaasahang papasok sa karagatang sakop ng ating bansa sa susunod na linggo.

Huling namataan ang tropical depression Marilyn sa layong 1,310 km sa silangan ng Basco, Batanes.

May lakas itong 45 kph at pagbugsong 55 kph.

Sa pagtaya ng Pagasa, lalabas ito sa PAR at muling papasok bilang low pressure area (LPA) sa mga darating na araw.