-- Advertisements --

cebu

Patay ang dalawang miyembro ng Sambayanan matapos tambangan ng mga teroristang CPP- NPA bandang alas-4:30 ng hapon kahapon April 26,2021 sa may boundary ng Brgys Aloha at Vambacay sa bayan ng Batuan, Bohol.

Nakilala ang dalawang nasawi na sina Rolando Pornis at Jaime Cagatin habang sugatan naman ang dalawang iba pa na sina Michael Hinampas at Antonio Muring.

Galing sa isang pagpupulong ang mga biktima at sakay sa motorsiklo ang mga biktima at pauwi na sa kanilang mga bahay sa Carmen, Bohol ng tambangan sila ng anim na miyembro ng CPP-NPA.

Ang Sambayanan ay grupo ng mga dating Cadre ng NPA na nagbalik loob sa gobyerno at tumutulong para hikayatin ang kanilang mga dating kasamahan na magbagong buhay na.

Sa kabilang dako, mariing kinondena ni Central Command Commander Lt. Gen. Roberto Ancan ang insidente at sinigurong palalakasin pa ang kanilang anti-insurgency campaign sa lugar.

Aminado naman ang militar na sobrang nasasaktan na sa ngayon ang communist terrorists group (CTG) ginagawang counter-political drives ng Sambayanan dahillan para tambangan ang mga biktima.

Siniguro ng militar na bibigyan nila ng tulong ang mga kaanak ng mga nasawing dating NPA cadres.

Tiniyak naman ng militar na hindi sila titigil hanggat hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng dalawang biktima at pagkakasugat sa dalawang iba pa.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Centcom U7 at Civil Military Operations Commander Col. Gerry Besana, kaniyang sinabi na ang Sambayanan ay grupo ng mga dating NPA cadres na ngayon ay tumutulong sa militar sa kanilang information dessimination lalo na sa mga terroristic activities ng CTGs.

Sinabi ni Besana na tinatakot ng mga CTGs ang kanilang mga dating kasamahan na nagbalik loob sa pamahalaan.

Nais kasi ng mga ito na bumalik sa armadong pakikibaka ang mga nagsisukong mga dating kasamahan.