DAVAO CITY – Dalawang mga batang lalaki ang naitala ngayon ng Department of Health na mga bagong kaso ng COVID 19 dito sa lungsod ng Dabaw.
Ang naturang mga batang biktima na residente ng Buhangin Lungsod ng Dabaw ay pawang nasa tatlong taong gulang pa lamang at mayroong exposure umano sa isang COVID positive patient.
Naitala rin ng DOH XI ang isa pang 25 anyos na lalaki na confirmed case na nakatira rin sa Buhangin Lungsod ng Dabaw.
Samantala, dalawang iba pa ang nadagdag sa mga naka-recover na kinabibilangan na isang 25 anyos na babaeng residente ng Talomo South at may travel history mula sa Singapore, at isang 19 anyos na lalaki na mula sa Toril ning syudad.
Sa ngayon, umabot na ng 129 ang kabuuang bilang ng COVID 19 cases at 73 ang mga naka-recover na sa davao region.