-- Advertisements --

Tinamaan ng Ukraine ang dalawang naval vessels ng Russia sa Crimean port ng Sevastopol.

Ayon sa Ukraine na kanilang napasabog ang amphibious landing ships na Yamal at Azov.

Dahil sa pagsabog ay nagresulta ito sa makapal na usok sa lugar.

Sinabi naman ni Sevastopol governor Mikhail Razvozhayev na isang katao ang nasawi dahil sa nasabing atake.

Itinuturing ng Ukrainian army na isa ito sa matagumpay nilang operasyon laban sa Russia.