-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay ang dalawang sekyu sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Unang biktima ay nakilalang si Arthur Masanit, 42, at nakatira sa Purok Talisay, Barangay Dalapitan, Matalam? North Cotabato.

Ayon sa ulat ng Matalam PNP na nakatayo lamang ang biktima sa Purok Everlasting, Brgy Sta Maria nang biglang lapitan ng hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis na tumakas ang suspek at sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at dibdib.

Samantala, sa Makilala, Cotabato patay rin ang isang Butsoy Nioda, isa ding sekyu, habang ito’y nasa waiting shed sa national highway ng bayan at pinagbabaril ng mga hindi kilalang salarin gamit din ang kalibre .45 na pistola.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Cotabato PNP sa pagpatay sa naturang dalawang security guards.