-- Advertisements --
Nasa pagamutan pa rin ang dalawang security guard na nasagutan matapos na sumabog ang ginagawa nilang improvised na tangke ng tubig sa Ermita, Maynila.
Nagtamo kasi ng 2nd degree burns sa kaniyang katawan ang biktimang si Ricky Gallego habang nasugtan sa paa ang kasamahan nito.
Sa imbestigasyon ng kapulisan na pinagdugtong ng dalawang guwardiya ang dalawang plastic drum para gawing water tank sa kanilang pinagtatrabahuan.
Sa pagsisiyasat ng Explosive Ordinance Disposal ng Manila Police District, na may mga fumes ng fruit extract distillate ang drum na sumabog ng sindihan ito ng mga guwardiya.