LAOAG CITY – Naaretso ang tatlong lalaki dahil sa iligal na sugal sa Brgy .6, San Nicolas.
Ayon sa Philippine National Police-San Nicolas, kasama sa mga nahuli ay dalawang senior citizen na 62-anyos at 67-anyos habang ang isa ay 48-anyos, pawang mga residente ng nasabing barangay.
Sinabi ng kapulisan na nakatanggap ang kanilang opisina ng report hingil sa iligal na sugal dahilan upang agad na maiksa ang operasyon.
Sa pagtungo ng mga pulis sa lugar ay naaktuhan ang paglalato ng mga suspek ng tong-its.
Nakumpiska sa mga ito ang isang set ng baraha, tatlong bangko, isang lamesa at bet money.
Nanatili sa kustodiya ng Philippine National Police San Nicolas ang mga suspek at inaasahang haharap sa kasong paglabag ng Presidential Decree 1602 o Illegal gambling.