TACLOBAN CITY – Patay ang dalawang senior citizen samantala nakaligtas naman ang dalawa pang biktima matapos ang nangyaring landslide sa Brgy. Cuatro de Agosto, Mahaplag, Leyte dahil sa pananalasa ng bagyong Vicky.
Kinilala ang mga biktimang namatay sa insidente na sina Junilinda Milano, 62 at si Evelina Laraño, 67.
Kinilala naman ang nailigtas na biktima na si Godofredo Laraño at ang 14-anyos na si Ryan Amos.
Ayon Roel Monteza, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Officer ng Leyte, dahil sa malakas na pag-ulan at baha dulot ng bagyong Vicky ay bumigay ang lupa sa nasabing lugar kung saan nakatayo ang bahay ng mga biktima.
Napag-alaman naman mula kay Police Capt. Rodolfo Renomeron, hepe ng Mahaplag PNP na mahimbing na natutulog ang mga biktima nang mangyari ang naturang insidente.
Kaagad naman na nagsagawa ng retrieval operation ang mga otoridad na kung hindi na nila nasagip ang dalawang biktima.
Sa ngayon ay nanatiling unpassable ang Abuyog-Baybay City route dahil sa nasabing landslide.
Maliban sa Mahaplag, Leyte ang isa rin landslide ang naitala sa Abuyog, Leyte.
Nasa daan-daan ding mga residente mula sa bayan ng Abuyog, Dulag, Javier at Mahaplag ang nanatili ngayon sa evacuation center dahil sa mga pagbaha at lanslides dulot ng Bagyong Vicky.