-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa dalawang magkasunod na insidente ng pamamaril na nangyari sa syudad ng Calbayog sa loob lang ng isang araw.

Ayon kay Col. Andrei Dizon, acting provincial director ng Samar Police Provincial Office (SPPO), na unang naitala ang pamamaril sa isang hospital utility worker na kinilalang si Ronald Aniban, 37, sa loob mismo ng isang internet shop sa Brgy. Aguit-itan sa Calbayog kung saan patuloy pang pinaghahanap ang mga suspek.

Natamo nito ang tama sa may noo na agad namang itinakbo sa ospital.

Samantala matapos ang ilang oras ay naitala naman ang isang pang insidente ng pamamaril kay Jesunico Castor habang nakaupo sa isang sasakyan sa Brgy. Malayog, Tinambacan District sa kaparehong syudad.

Nagtamo naman ng dalawang tama ng bala ang 54-anyos na biktima na isang fish buyer at dating brgy. councilor sa Brgy. Binaliw, Calbayog.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang operasyon ng mga kapulisan para mahuli ang mga suspek sa naturang shooting incident at malaman ang motibo.