CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang dalawang sibilyan matapos maipit sa engkwentro ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga biktima na sina Lagabai Endo at Kagi Bahriyah Inia, mga residente ng Barangay Dapiawan Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.
Ayon sa mga kamag-anak ng mga biktima na nagkasagupa umano ang militar at BIFF di kalayuan sa kanilang tahanan nang bigla silang tamaan ng mortar projectile.
Nagtamo ng matinding sugat sina Endo at Inia kaya agad itong binawian ng buhay.
Hiling ng mga residente ng Maguindanao sa gobyerno na sana iwasan ng militar at mga rebelde na maipit sa gulo ang mga kawawang sibilyan.
Sa ngayon ay nag-iimbestiga na ang Maguindanao PNP sa pagkasawi ng mga biktima.