-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Hustisya ang sigaw ng pamilya ng dalawang sibilyan na tinambangan patay sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jojie Balaod Catulong, 36, may-asawa, residenre ng Purok 7, Barangay San Isidro at Nelmar Cain Robelo, 32, may-asawa at nakatira sa Purok Santan, Barangay Bual Norte pawang sa bayan ng Midsayap, Cotabato.

Ayon kay Midsayap chief of police Lieutenant Colonel Rolly Oranza na sakay ng motorsiklo ang mga biktima pauwi na ng kanilang tahanan.

Ngunit pagsapit nila sa hangganan ng Barangay Malingao at Brgy Palongoguen, Midsayap, Cotabato ay inabangan sila ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa Barangay Malingao.

Patay on the spot ang mga biktima nang magtamo ito ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

Matatandaan na noong nakalipas na araw tatlong payong-payong driver rin ang pinagbabaril patay sa bayan ng Midsayap.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa magkasunod na pamamaril patay sa bayan ng Midsayap.