-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Bubuksan na ang St. Joseph Cathedral at ang Sto. Niño Diocesan Shrine nitong lungsod upang magsilbing vaccination site na tatanggpa ng mga indibidwal na gustong maturukan ng first, second at booster doses para sa mas pina-igting na VOCID-19 vaccination program sa ilalim ng Marcos administration na ‘PinasLakas’ vaccination.
Ito’y naging posible dahil sa kooperasyon ng lokal na pamahaalaan ng Butuan City, ng Department of Health (DOH_-Caraga kasama ang mga parish priests ng St. Joseph Cathedral na si Rev. Fr. Chito Butardo at ng Sto. Niño Diocesan Shrine na si Rev. Fr. Stephen Brongcano.
Magsisimula ang kanilang pambabakuna sa Agosto a-28, Setyembre a-4, 11, 18 at 25 mula sa alas 8 ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.