CENTRAL MINDANAO- Isinailalim sa localized lockdown ang dalawang Sitio sa bayan ng Carmen Cotabato kontra Coronavirus Disease o (Covid 19).
Ito mismo ang kinomperma ni Carmen Municipal Mayor Moises Arendain.
Dalawa katao ang nagpositibo sa Covid 19 sa Sitio Campo Barangay Kibudtongan at Brgy Tambad Carmen North Cotabato.
Sinabi ni Mayor Arendain na isa sa mga biktima na taga Maramag Bukidnon na nahawaan umano ng Covid 19 habang naghaharvest ng mais sa Barangay Tambad.
Ang isa naman ay nahawaan na nagtitinda ng isda na galing sa Bukidnon.
Dahil dito ay agad na nagpalabas ng kautusan si Mayor Arendain ng localized lockdown sa sitio Campo Brgy Kibudtongan at Brgy Tambad.
Umaabot sa 20 katao ang nakasalamuha ng dalawang pasyente ngunit nagnegatibo sila sa Covid 19 at nagpapatuloy ang contact tracing ng mga kawani ng Rural Health Unit (RHU-Carmen).
Dagdag ng Alkalde na lahat ng mga Local Stranded Individual (LSIs) at Returning Overseas Filipino (ROFs) ay diritso agad sa isolation facility habang hinihintay ang kanilang resulta sa Swab test o RT-PCR test.
Nagpasalamat naman si Mayor Arendain sa 20 contract tracer’s na itinalaga ng DILG sa bayan ng Carmen dahil malaking tulong ito sa contact tracing sa mga makasalamuha ng mga nagpositibo sa Covid 19.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng LGU-Carmen ang pagbabantay sa mga entry at exit point ng bayan katuwang ang mga Cafgu,BPAT,pulisya,mga Volunteers at RHU sa umiiral na health protocols kontra Covid 19.