TACLOBAN CITY – Arestado ang dalawang SK chairmen matapos ang umano’y panggagahasa ng mga ito sa 15-anyos na dalagita sa Naval, Biliran.
Napag-alamang nasa 23-anyos at 25-anyos ang nasabing mga suspek na parehong mga SK chairman sa dalawang barangay sa nasabing lugar.
Ayon kay Capt. Ryan Delima, chief of police ng Naval Municipal Police Station, nasa isang fiesta celebration ang biktima at mga suspek kung saan nagkainuman ang mga ito hanggang madaling araw.
Ayon pa sa inisyal na imbestigasyon, hinikayat ng mga suspek ang biktima na magpahinga sa isang hotel kung saan gustong matulog ng isa sa mga suspek.
Napilit umano ang biktima na sumama sa mga ito sa nasabing hotel kung saan doon nangyari ang panggagahasa sa kanya.
Sa nasabing araw mismo ay nakuhang makatakas ng biktima at agad na nakahingi ng tulong sa mga kapulisan.
Agad namang rumesponde ang mga otoridad, dahilan sa pagkakaaresto ng dalawang suspek.
Sa ngayon ay nahaharap na sa karampatang kaso ang dalawang suspeks.
habang nabigyan na rin ng assistance ng DSWD ang nasabing biktima.