-- Advertisements --

Arestado ang dalawang puganteng South Korean nationals sa Paranaque City dahil sa pagiging sangkot ng mga ito sa isang investment scam.

Nahuli ng mga otoridad mula sa Bureau of Immigration (BI) ang dalawa na siyang nagtatago sa Pilipinas dahil sa pagiging scammer ng mga ito sa kanilang bansa.

Kinilala ang dalawa bilang sina Kim Young Sam, 58 na taong gulang at si Weon Cheolyong, 59 na taong gulang na napagalaman namang isang overstaying alien at kasalukuyan nang nasa BI custodial facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Samantala ayon naman sa BI, isa sa mga naaresto na si Kim Young Sam ang agad na isasailalim sa deportation dahil sa pagiging undesirable alien nito noong taong 2021.

Naisyuhan rin ng red notice mula sa International Criminal Police Organization (Interpol) ang banyaga na napagalaman pang sangkot sa mga fraudulent operations na nagsosolicit ng mga investments para sa pagbuo ng isang digital currency business.