-- Advertisements --

Ilang mga kaliweteng boksingero na makaka-sparring ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang nasa Wild Card Gym sa Los Angeles.

Kinabibilangan ito nina Alexis Rocha at Maurice Lee na humanga sa galing pa rin ng 42-anyos na fighting senator.

Si Lee ay naging sparring partner ni Floyd Mayweather din ay mayroong record na 12 panalo at isang talo.

Naniniwala si Lee na kayang patumbahin ni Pacquiao si Errol Spence.

Habang ang 5 foot 10 na si Rocha ay naka-sparring na rin sina Terrence Crawford, Jarmain Taylor at Saul “Canelo” Alvarez ay naniniwalang kayang pahhirapan ni Pacquiao si Spence.

Kahit aniya na hindi basta-bastang kalaban si Spence ay naniniwala ito na kayang makipagsabayan si Pacquiao.