Kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 34th ASEAN Summit sa Thailand ang dalawa sa limang kongresistang nagnanais na magig Speaker ng Kamara sa 18th Congress.
Sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Taguig City Representative-elect Alan Peter Cayetano ay kasa ni Pangulong Duterte sa welcoming party nang dumating ito sa kanyang hotel noong Biyernes ng gabi.
Si Cayetano ay present din sa courtesy call ng malalaking Thai business groups kahapon, Hunyo 23.
Pagkatapos nito, dumalo rin siya kasama si Velasco sa gala dinner para sa ASEAN leaders.
Sa isang panayam, mariing itinanggi ni Cayetano na nililigawan niya si Pangulong Duterte para makuha ang suporta nito sa speakership race kaya siya sumama sa Bangkok.
Bilang dating kalihim aniya ng Department of Foreign Affairs, nilo-look forward lamang niya na makita muli ang kanyang mga dating kasamahan sa ASEAN region.