-- Advertisements --
ILOILO CITY – Patuloy pa na ginagamot sa ospital ang isang abogado at driver nito matapos bumangga ang sinasakyang pickup truck sa delivery truck sa Barangay Gines, Zarraga, Iloilo.
Ang sugatang abogado ay si Atty. Jose Gelacion Lira, ng Sampaguita Subdivision, Mandurriao, Iloilo City at ang driver naman ito ay si Emilio Po Jr. 63,ng Gran Plains Subdivision, Jaro, Iloilo City.
Ang driver naman ng delivery truck ay si Inocentes Bigcas Jr., ng Poblacion Ilawod, Panay, Capiz.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Police Lt. Johnny Arnad, hepe ng Zarraga Municipal Police Station, sinabi nito na nakaparking sa gilid ng kalsada ang delivery truck ng binangga ng pick up.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng delivery truck.