-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Patuloy sa ngayon na inoobserbahan ang kalagayan ng dalawang barbeque vendors matapos na masugatan sa nangyaring pagsabog ng granada sa Sultan Kudarat, Maguindanao.
Ayon sa Sultan Kudarat PNP, ang mga biktima ay kinilalang sina Bai Urugan Murod, 45, at si Rakma Tarim, 47, kapwa residente ng Barangay Rebuken sa nasabing bayan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, naglalako ng paninda ang dalawang biktima nang isang motorsiklo na may sakay na dalawang katawo ang humagis ng granada sa mga ito.
Dahil sa pagsabog, nagtamo ng maraming sugat ang mga biktima sa kanilang katawan.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad ang nangyaring pagpasabog at inaalam din ang pagkakakilanlan ng mga suspek.