CENTRAL MINDANAO-Niyanig ng pagsabog ang syudad ng Cotabato dakong alas 7:15 kagabi.
Nakilala ang mga nasugatan na sina Tohani Guiaman at isang alyas Tato,mga residente ng Phase 2 Brgy Rosary Hieghts 10 Cotabato City.
Ayon sa ulat ng pulisya na dalawang hindi kilalang suspek na lulan ng isang motorsiklo ang naghagis ng pinaniniwalaang granada sa tahanan ng pamilya Guiaman.
Habang papatakas ang riding in tandem suspect ay pinukol ito ng bato ng isang residente na si alyas Tato.
Natumba ang sinakyang motorsiklo ng mga suspek at nagsuntukan sila ng kapitbahay ni Guiaman.
Sinubukan pa ni Tato na igapos ang isa sa mga suspek ngunit binaril sya ng isa pa nitong kasamahan kung saan tinamaan ito sa paa.
Nakatakas ang dalawa katao na naghagis ng granada sa bahay ni Guiaman ngunit naiwan nila ang kanilang sinakyang motorsiklo.
Kapwa dinala sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ang mga biktima at nasa ligtas ng kalagayan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad.