-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nasa ligtas na ang kalagayan ng dalawang sibilyan na nasugatan sa pagsabog sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga biktima na sina Alimuden Masla at Edwin Masla na apo ni Alimoden.

Patay sa pagsabog ang asawa ni Alimuden na si Misba Alimuden,na mga residente ng Sitio Butilen, Brgy Kabasalan, Pikit, North Cotabato.

Matatandaan na sumabog ang hindi matiyak na bomba sa tahanan ng mga biktima.

Unang sinabi ng militar na si Alimuden Ali ay myembro ng BIFF na gumagawa ng bomba ngunit pinabulaanan naman ito ng pamilya ng mga biktima at isa lamang daw itong ordinaryong magsasaka.

Nakabantay naman sa pagamutan ang mga sundalo at pulisya kung saan patuloy na iniimbestigahan si Ali.