-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Dalawa ang malubhang nasugatan sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Ang mga biktima ay sakay ng motorsiklo at hindi pa tukoy ang pagkakilanlan.
Ayon sa ulat ng pulisya na dinikitan ng riding in tandem suspects ang mga biktima at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola sa Brgy Pagangan Aleosan Cotabato.
Sumimplang sa gilid ng national highway ang sinakyang motorsiklo ng mga biktima habang mabilis na tumakas ang mga salarin.
Agad na dinala ang mga sugatan ng mga nagrespondeng pulis sa pagamutan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Aleosan MPS sa pamamaril sa mga biktima.