-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Sugatan ang dalawa ka tao sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga biktima na sina Eden Midena,32 anyos at Edcel Mangga,28, mga residente ng Lower Naje, Barangay Malibatuan, Arakan North Cotabato.

Ayon sa ulat ng Arakan PNP na pinagbabaril ng suspek na nakilalang si Boyet Hornado ang biktimang si Mangga habang nakaupo lamang sa harap ng bahay ni Alyas Pirot gamit ang kalibre.45 na pistola.

Sunod na binaril ng suspek si Midena na kalahating kilometro lamang ang layo sa una nitong binaril.

Agad namang tumakas ang suspek pagkatapos nitong barilin ang mga biktima.

Mabilis na naisugod ang mga sugatan sa pagamutan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Arakan PNP sa naturang pangyayari.